Likha ni:
Jun-Jun
Kung bitter ka
I-send mo ‘to sa
kanya
Sa umaga, huwag
na
Huwag mo na kong
itext
Ng “magandang
umaga at gumising ka na!”
Dahil mas
gugustuhin ko pang matulog ng mahaba
Kaysa magising
sa katotohanang wala ka na.
Huwag ka nang
magpapaalalang “kumain ka na!”
Dahil baka
mainggit lang ako sa kape
Na hindi
sinasantabi
Kahit malamig
na.
Huwag mo na din
akong sasabihang “ingat ka!”
Dahil baka
isipin kong may pakialam ka pa.
Huwag naman sana
kitang makasalubong sa SM at sa McDo pa
Kasi dito. Oo
dito sa mga lugar na ito
Gumagala tayo at
kumakain ng magkasama.
Don’t ask me na
rin kung anong ginagawa ko
Dahil ayoko na
malaman mong sa mga oras na ito
Ikaw pa rin ang
iniisip ko.
Huwag mo nang
ila-Like ang mga status at post ko.
Baka isipin kong
inii-stalk mo pa rin ako.
Oo nga pala,
tambay pa rin ako
Tambay pa rin
ako sa wall mo
Kahit masakit
makita ang mga pictures mo
Lalo na yung mga
kasama ako.
Sa gabi, huwag
ka nang magte-text na “magpahinga ka na”
Dahil wala nang
mas nakakapagod pa
Na isiping baka
pwede pa!
Na sana
pinaglaban kita
Huwag mo na ring
tanungin ang ginagawa ko
Dahil
nakakahiyang sabihin
At nakakahiyang
aminin
Na eto,
iniiyakan ka!
Sa madaling
araw,
Oo malapit nang
mag-umaga pero iniisp pa din kita
Oo tulog ka na
Habang ako
nananaginip pa
Nananaginip
kahit bukas ang mga mata.
Buong araw ikaw
ang sentro ko
Parang libro na
maraming kabanata’t
pangalan mo ang
pamagat
Bukas, aasa na
naman ako
Aasa sa text
mong “gumising ka na!”
Tanong ko lang,
Ilang araw pa kaya
para makalimutan kita
Isa? Dalawa?
O baka naman
hindi na.

No comments:
Post a Comment